Monday, February 9, 2015

Balentayms

Mga kakosa! Malapit na ang balentayns, may plano na ba kayo? dedeyt nyo ba mga katuwang nyo sa buhay? pulang rosas ba or puting rosas? may tsokolate ba o wala? sa motel ba o sa hotel o sa hagdanan ng paaralan kasi wala kayong pera?

Eh kayong mga walang katuwang? bigti ba o magtatago na lang kayo sa araw na to? o tuloy pa rin ang buhay at bawat magkasintahan na makasalubong ay sisigawan nyo ng "maghihiwalay din kayo!!"?

ano pa man estado ng puso mo, wag limitahan ang selebrasyon ng pagmamahaln sa araw na nakatakda. sa bawat araw ay dapat pa rin natin siniselebra (ano daw?) ang pag-ibig. di nawawalan ng pag-ibig. wag maging mainstream. ugaliing mahalin ang isa't isa sa araw araw.

at wag na wag maging desperado, isaisip at isapuso na baka hndi pa pinapanganak ang taong karapat dapat na maging katuwang nyo. patuloy lang sa pagdasal, balang araw darating din siya.

happy balentayms mga kakosa!

No comments: