Wednesday, August 31, 2011

hexcited!

uwing uwi na ako.. may namimiss na ako sa Davao at kaarawan ko na sa susunod na linggo. Uu namiss ko na nanay ko, tatay ko tsaka kapatid ko. parang kelan lang uwi ko sa davao. iba talaga pag nauwi ka sa kinalakhan mong lugar. dito mo malalasap ang matiwasay na pamumuhay. pag nauwi ako sa amin wala akong ginagawa kundi matulog at maghintay tawagin para kumain. may taga laba na sa aking mga dami pati brieves (plural ng brief, lol). hndi ko na kailangan mamasahe kasi may driver na ako, ang kapatid ko. dati rati ako driver ngayong natuto ng magmaneho kapatid ko siya na ang personal driver ko. bwahahahahaha

nakakalungkot nga lang kasi ang mga dati kung kaibigan eh nagsialisan na sa lugar namin. wala na akong mahagilip maliban sa mga anak nilang iniwan sa mga lola. may kakaunti pa naman akong mga kaklase kaya nagkakaroon pa rin kami ng "mini" reunion. pinagtatawanan pa rin namin yung mga kalokohang ginawa nung nasa unibersidad pa kami. (reminiscing)

ngunit hndi naman talaga ito ang mga dahilan bakit ako uuwi ng davao sa susunod na linggo. iisang dahilan lang at yun ay ng dahil sa iyo. :)

Friday, August 19, 2011

Uwian na sa davao

Umuwi akong luhaan, bumalik naman akong inlababu.

Luhaan sapagkat wala na akong pera, binayaran ko yung pang gown para sa debut ng kapatid ko. Jabonggang debut! At dahil bongga, kailangan ko magsuit. Nagmukha tuloy akong congressman na kurakot na walang pera. huhuhuhu.. Ayos lang, basta masaya lang ang kapatid ko sa kanyang pagdadalaga. Mahal ko yun eh.

Inlab! bakit ba ang tao naiinlab? pag tayo ba'y naiinlab dahil ba ito ang nararamdaman ng puso o sinasabi ng utak natin? kung kontrolado ng utak natin ang lahat ng galaw sa ating katawan bakit di natin nakokontrol ang aspeto ng pagmamahal. ang pagmamahal ba ay isang pakiramdan o isang desisyon? Ang dami kung tanong, wala naman akong pake sa sagot kasi inlab ako! weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh!!!!

Edeng

Sa mga panahong tayo nalulungkot, di natin inaasahan na may dadating sa ating buhay na magpapasaya at magkokompleto sa atin. Ng dahil sa pagkaing ito, di ko inaasahan dito ko pala makikilala ang taong magpapatibok muli ng puso ko (yeeee cheesy!!). Ng dahil sa iyo bulcachong ka!