Sa panahon ngayon, pangkaraniwan na ang mga magagaling nating mga kababayan ang umaalis at inaalay ang kanilang talento sa ibang bansa. Tulad ko, na minsan narin nangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa at 'eto nga ang pangarap na yan ay nagtagumpay.
Ano nga ba talaga ang buhay OFW o buhay-bagong bayani?
Dati rati ako lamang isang musmos na nagaabang ng mga pasalubong galing sa aking mga magigiting na tito at tita na nangingibang bansa. Masaya na ako mabigyan lang ako ng isang pakete ng M&Ms o di kaya isang pirasong MARS na kahit langgam ay magrereklamo na kulang na kulang eto. Sa nagdaan na araw, ako'y nangarap na minsan ako rin ang magbibigay ng M&M o di kaya MARS sa aking mga pamangkin.
At eto nga ako, nabigyan ng pagkakataon makapagtrabaho sa bansang di ko kinalakihan. Nung una, puno ng kaba at emosyon ang aking nadarama sapagkat alam koy mapupunta ako sa isang lugar na di ako pamilyar. Lalo na't di ako marunong magsalita ng intsik. Hindi ko mawari kung malas o swerte ko ang pagkakataong ito marahil akoy pinapunta sa bansang malayo sa araw ng Pasko. Ito ang kauna unahang pangyayari sa buhay ko na nawalay ako sa pamilya ko at aking minamahal tuwing Pasko at Bagong Taon.
Ibang iba ang selebrasyon ng pasko at bagong taon dito. Hindi tulad sa atin na para bagang may pyesta sa buong Pilipinas. Dito kumain ka lang sa labas at uminon ng konteng alak pagkatapos magbeso beso at kakamayan mo mga kababayan at matulog. Tapos na ang Pasko at Bagong Taon ninyo. Napag-isip isip ko kung yun na ba ang tinatawag nilang "homsik". Pero di ako nagpatalo sapagkat alam ko kung malaman ng mga mahal ko sa buhay na di ako masaya, ay baka masira pa ang kanilang selebrasyon. Nilunok ko na lang laway ko at sabay sabi sa sarili, lilipas din ito.
No comments:
Post a Comment