Sunday, July 17, 2011

Ikaw na ang mayaman!!

Disclaimer: pag ayaw nyo ng mayabang, di para sa inyo ang post na to. hmpf!

Oo, ako na nga ang mayaman! netong buwan lang to, kamuntikan ko ng ma max out ang aking credit card. buti na lang may natira pang mga 10 SGD (pang Jolly V o kaya Mang Kiko*). biruin nyo kay sarap palang bumili ng walang inaabot na pera. yung bang pa pirma pirma ka na lang.

ito na siguro ang pinaka impulsive buying month ko sa tanang buhay ko.
pakiramdam ko mayamang mayaman talaga ako ng dahil sa leching credit card na yan.

nung huling linggo bumili ako ng bagong 'camera system'. you heard it right, 'system'. kasi ayoko ng cheap P&S na camera, gusto ko yung may 'system'. kasi nga diba mayaman (kuno) ako. kung sa tutuusin, di ko naman talaga kailangan ng bagong camera sapagkat matagal na akong namumulubi sa aking DSLR (oo, mamahalin din yung DSLR ko). nakahanap lang ako ng magandang excuse para bumili ng bagong camera. dahil hindi concealable ang DSLR sa pagkuha ng mga litrato sa ilalim ng palda ng mga babae paakyat ng escalator. (kayo na mag OFW dito sa singapore, namputik kulang yata sa tela 'tong bansang 'to) pwera biro lang, nadala lang din ako sa ka-opisina ko, siya yung hudas na bumulong sa akin na bumili ng 'camera system' na ito.

oh tukso, layuan mo ako!!

matagal tagal ko na rin inaasam asam ang magkaroon ng iPad. iton'g linggo 'to, sa kasawiang palad, natupad na nga ang aking pangarap. wala akong magandang excuse bakit ko binili to. simple lang, gusto ko talaga magkaroon ng iPad (at hndi pa ako nakakaget-over sa pakiramdam na mayaman ako). ngayong nasa posesyon ko na ang iPad, nagsisisi ako kung bakit ko binili yung 'camera system'. linsyak, may camera din ang iPad, dalawa pa!

oh teknolohiya, isa kang tukso na mas malala pa sa babae!

kung gugustuhin ko mang isauli ang mga bagay nabili ko ngayong buwan na ito. wala na akong magawa sapagkat na iswayp ko na ang aking credit card.

i have nothing but guilt when looking at these things knowing that many people are hungry.

napapa-ingles pa ako dahil sa kawalan ko ng respeto sa pera. sana sa tamang panahon, matutunan ko rin ang pagiging kontento kung sa ano ang meron ako at ang di humangad sa bagay na pwede naman akong mabuhay na wala ang mga ito.



** sa mga di nakakaalam, ang Jolly V (happy v na pala ngayon) ay ang bersyon ng Jollibee dito sa singapore at ang mang kiko naman ay popular na kainan ng mga pinoy sa bansang to.

1 comment:

Anonymous said...

ikaw na talaga ang mayaman pre. haha!