Thursday, July 14, 2011

Nasaan ako ng mga panahong 2009 at 2010?

Kung kayo'y nagtataka bakit wala akong post ng 2009 at 2010, eto yung mga panahong nagpapayaman ako.

Pagkatapos ng dalawang taon, ang tanong mayaman na ba ako? Syempre! mayaman sa sexperience, este experience. Hanggang ngayon lupaypay pa rin wallet ko. Kumakapal lang dahil sa mga papel na nakasingit. Mas masaya kung papel na nakasulat ay mga numero ng iba't ibang babae, ang problema mga papel na dapat kung bayaran. Mga papel na di ko rin alam bakit meron ako nun sa wallet ko. Mga papel ng litrato ko, ng barkada sa kolehiyo, ng litrato ko nanaman, at isa pang litrato ko.

Wala ako masyadong maalala sa taong 2009 at 2010, maliban sa 2010 naghiwalay kami ng kasintahan ko (insert firworks here) at namatay si Michael Jackson nung 2009. Sa dinami daming babaeng dumaan sa buhay ko (literal na dumaan lang talaga sa harap ko), ni isa wala akong maalala sa kanila (naknamfutsah naman oh!). Ganun nga ba talaga ang mga napagdadaan natin, na natural nating nakakalimutan. O sadyang, makakalimutin lang talaga ako?

"Lost time is never found again" - sinabi ni Benjamin Franklin at nalaman ko dahil sa aking paboritong manunulat, google.com. Malamang maikakategorya ko dito ang taong 2009 at 2010 sa buhay ko. Pero kahit nawala man ito, malamang masaya ako sa mga panahong iyon dahil sa masaya pa rin ako ngayon. At higit sa lahat wala pa ring pera...

2 comments:

Anonymous said...

2009 nung napunta ako jan sa SG pre. noon mo ako ipinasyal sa geylang! lols!

okay lang yan pre. andaming babae. makakahanap din tayo. hehe

oOSeY said...

ahahaha.. uu nga pala ano.. dalawa maalala ko nun:
1. yung dinala natin sa apartment mo na di ko napakinabangan. bwehehehe..
2. geylang bonanza! ahahahaha