Disclaimer: pag ayaw nyo ng mayabang, di para sa inyo ang post na to. hmpf!
Oo, ako na nga ang mayaman! netong buwan lang to, kamuntikan ko ng ma max out ang aking credit card. buti na lang may natira pang mga 10 SGD (pang Jolly V o kaya Mang Kiko*). biruin nyo kay sarap palang bumili ng walang inaabot na pera. yung bang pa pirma pirma ka na lang.
ito na siguro ang pinaka impulsive buying month ko sa tanang buhay ko.
pakiramdam ko mayamang mayaman talaga ako ng dahil sa leching credit card na yan.
nung huling linggo bumili ako ng bagong 'camera system'. you heard it right, 'system'. kasi ayoko ng cheap P&S na camera, gusto ko yung may 'system'. kasi nga diba mayaman (kuno) ako. kung sa tutuusin, di ko naman talaga kailangan ng bagong camera sapagkat matagal na akong namumulubi sa aking DSLR (oo, mamahalin din yung DSLR ko). nakahanap lang ako ng magandang excuse para bumili ng bagong camera. dahil hindi concealable ang DSLR sa pagkuha ng mga litrato sa ilalim ng palda ng mga babae paakyat ng escalator. (kayo na mag OFW dito sa singapore, namputik kulang yata sa tela 'tong bansang 'to) pwera biro lang, nadala lang din ako sa ka-opisina ko, siya yung hudas na bumulong sa akin na bumili ng 'camera system' na ito.
oh tukso, layuan mo ako!!
matagal tagal ko na rin inaasam asam ang magkaroon ng iPad. iton'g linggo 'to, sa kasawiang palad, natupad na nga ang aking pangarap. wala akong magandang excuse bakit ko binili to. simple lang, gusto ko talaga magkaroon ng iPad (at hndi pa ako nakakaget-over sa pakiramdam na mayaman ako). ngayong nasa posesyon ko na ang iPad, nagsisisi ako kung bakit ko binili yung 'camera system'. linsyak, may camera din ang iPad, dalawa pa!
oh teknolohiya, isa kang tukso na mas malala pa sa babae!
kung gugustuhin ko mang isauli ang mga bagay nabili ko ngayong buwan na ito. wala na akong magawa sapagkat na iswayp ko na ang aking credit card.
i have nothing but guilt when looking at these things knowing that many people are hungry.
napapa-ingles pa ako dahil sa kawalan ko ng respeto sa pera. sana sa tamang panahon, matutunan ko rin ang pagiging kontento kung sa ano ang meron ako at ang di humangad sa bagay na pwede naman akong mabuhay na wala ang mga ito.
** sa mga di nakakaalam, ang Jolly V (happy v na pala ngayon) ay ang bersyon ng Jollibee dito sa singapore at ang mang kiko naman ay popular na kainan ng mga pinoy sa bansang to.
Sunday, July 17, 2011
Thursday, July 14, 2011
Para bumilis yumaman..

Ugaliing magclick ng ads sa aking blog. Pag ako yumaman, igagarantiya ko kayo ay mabibiyayaan.. pag ikaw ay babae, mag iwan lamang ng pangalan, address, telepono at picture para kayo madaling makontak ko. Pag ikaw naman ay lalake, ok na pangalan lang. LoL
-- Update
Denied ang aking application sa dahilang di sila nakakaintindi ng salitang Pinoy! Tuso talaga ang pera. tsk tsk.
Nasaan ako ng mga panahong 2009 at 2010?
Kung kayo'y nagtataka bakit wala akong post ng 2009 at 2010, eto yung mga panahong nagpapayaman ako.
Pagkatapos ng dalawang taon, ang tanong mayaman na ba ako? Syempre! mayaman sa sexperience, este experience. Hanggang ngayon lupaypay pa rin wallet ko. Kumakapal lang dahil sa mga papel na nakasingit. Mas masaya kung papel na nakasulat ay mga numero ng iba't ibang babae, ang problema mga papel na dapat kung bayaran. Mga papel na di ko rin alam bakit meron ako nun sa wallet ko. Mga papel ng litrato ko, ng barkada sa kolehiyo, ng litrato ko nanaman, at isa pang litrato ko.
Wala ako masyadong maalala sa taong 2009 at 2010, maliban sa 2010 naghiwalay kami ng kasintahan ko (insert firworks here) at namatay si Michael Jackson nung 2009. Sa dinami daming babaeng dumaan sa buhay ko (literal na dumaan lang talaga sa harap ko), ni isa wala akong maalala sa kanila (naknamfutsah naman oh!). Ganun nga ba talaga ang mga napagdadaan natin, na natural nating nakakalimutan. O sadyang, makakalimutin lang talaga ako?
"Lost time is never found again" - sinabi ni Benjamin Franklin at nalaman ko dahil sa aking paboritong manunulat, google.com. Malamang maikakategorya ko dito ang taong 2009 at 2010 sa buhay ko. Pero kahit nawala man ito, malamang masaya ako sa mga panahong iyon dahil sa masaya pa rin ako ngayon. At higit sa lahat wala pa ring pera...

Natawa ako, ikaw kaya?
UU sa peysbook ko to nakita. ayaw ko naman ishare dun baka sabihing ginagaya ko sila. kaya dito nalang.
1. Punta sa maps.google.com
2. pindutin ang "Get Direction"
3. Sa hanay na 'A', itype ang China.
4. Sa hanay naman ng 'B', itype ang Taiwan.
5. Pindutin ang "Get Direction" na butones.
6. Hanapin ang pang 48 na istep at ito'y basahin.
7. Tumawa ka pag mababaw kaligayahan mo, pag di naman, magpamakamatay ka na lang. Joke lang!

Feed my fishes!!!!!
kung mababaw kaligayahan nyo tulad ko, then feed my fishes!
wala lang, nakakaaliw, nakakawala ng stress. wag lang pahuli sa boss.

Revisiting this blog...
Ngayon ko lang naalala na may blog pala ako dito. at aba! may template template pa pala. nilagyan ko pa ng mala-aquarium na mga makulay na isda. kaya nagmukha na tuloy "cool" tong blog kung 'to. sana naman maengganyo na ako magsulat kahit di ako masulat na tao.
Dito mababasa lahat ng aking nararamdaman sa araw araw (pag di makalimutang magsulat). Dito ko rin ilalahad ang mga kwentong walang kwentang nangyayari sa buhay ko. mga "reviews" sa mga paborito kung pagkain, kainan, gadget, lugar at kung ano ano pang pwede ma ireview basta may ma-ipost lang. magpopost din ako dito ng mga litrato ng mga kras ko, mga nagkakakras sa akin (?), larawang kuha ko sa pagpopotograpiya (na hanggang nayon walang improvement) at kung ano ano pang pwedeng ma ipos.
Habang ginagawa ko tong post na ito, ako'y palingon lingon kasi opis hours. baka mahuli ni bos. buti na lang busy busyhan din sila tulad ko. Hanggang sa muli, kumukulo na tiyan ko sa gutom. Nakakagutom din palang mag isip kung anong ipopost dito sa blog.

Monday, September 22, 2008
Buhay OFW (ka emohan nung unang mga araw ko sa Singapore)
Sa panahon ngayon, pangkaraniwan na ang mga magagaling nating mga kababayan ang umaalis at inaalay ang kanilang talento sa ibang bansa. Tulad ko, na minsan narin nangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa at 'eto nga ang pangarap na yan ay nagtagumpay.
Ano nga ba talaga ang buhay OFW o buhay-bagong bayani?
Dati rati ako lamang isang musmos na nagaabang ng mga pasalubong galing sa aking mga magigiting na tito at tita na nangingibang bansa. Masaya na ako mabigyan lang ako ng isang pakete ng M&Ms o di kaya isang pirasong MARS na kahit langgam ay magrereklamo na kulang na kulang eto. Sa nagdaan na araw, ako'y nangarap na minsan ako rin ang magbibigay ng M&M o di kaya MARS sa aking mga pamangkin.
At eto nga ako, nabigyan ng pagkakataon makapagtrabaho sa bansang di ko kinalakihan. Nung una, puno ng kaba at emosyon ang aking nadarama sapagkat alam koy mapupunta ako sa isang lugar na di ako pamilyar. Lalo na't di ako marunong magsalita ng intsik. Hindi ko mawari kung malas o swerte ko ang pagkakataong ito marahil akoy pinapunta sa bansang malayo sa araw ng Pasko. Ito ang kauna unahang pangyayari sa buhay ko na nawalay ako sa pamilya ko at aking minamahal tuwing Pasko at Bagong Taon.
Ibang iba ang selebrasyon ng pasko at bagong taon dito. Hindi tulad sa atin na para bagang may pyesta sa buong Pilipinas. Dito kumain ka lang sa labas at uminon ng konteng alak pagkatapos magbeso beso at kakamayan mo mga kababayan at matulog. Tapos na ang Pasko at Bagong Taon ninyo. Napag-isip isip ko kung yun na ba ang tinatawag nilang "homsik". Pero di ako nagpatalo sapagkat alam ko kung malaman ng mga mahal ko sa buhay na di ako masaya, ay baka masira pa ang kanilang selebrasyon. Nilunok ko na lang laway ko at sabay sabi sa sarili, lilipas din ito.

Subscribe to:
Posts (Atom)